X

wi

Stretching Warm-up : Alin ang tama? 1

stretching

Warm-up at Stretching: Alin ang Tama? Isang review article

English: A woman in a stretch position. (Photo credit: Wikipedia)

Kung tatanungin ang isang ordinaryong atleta o recreational runner na wala masyadong background sa Sports Science, sasabihin nila na ang warm-up ay ang pag-stretching kasama at pag-ikot ng ilang beses sa track oval hanggang mapawisan. Sa artikulong ito hihimayin ng may-akda ang mga literaturang may kaugnayan sa konsepto ng tamang warm-up at kung alin ang mas angkop na uri ng stretching at mga dapat gawin ukol dito.

Warm-up- Ayon kay Alter (1990), ang warm-up ay pangkat ng mga ehersisyo nag ginagawa bago ang isang ensayo na may pangunahing layunin na mapataas ang temperature sa katawan sa gayon maiwasan ang injury. May dalawang uri ng warm-up: ang Passive warm-up kung saan ang pamamaraan upang mapainit ang katawan ay ang pananatili sa isang mainit na lugar gaya ng sauna o pag-shower sa mainit na tubig at General warm-up o ang pagsasagawa ng mga kilos ng katawan upang maging mainit ang pakiramdam. Kabilang sa General warm-up ay jogging, paglalakad at iba pa.

Part 2

Stretching- ito ay isang proseso ng pagpapabanat. Ang mga ehersisyo na ukol dito ay isinasagawa upang tumaas ang antas ng flexibility upang makuha at angkop na full range of motion sa piniling isport. (Alter, 1990)

Batay sa kahulugan na nabanggit, malinaw na makikita na magkaiba ang warm-up at stretching. Kaya mali na sabihin na ang warm-up at stretching ay iisa. Ang susunod na katanungan ay alin ang dapat mauna, stretching o warm-up at vice versa?

Ayon sa artikulo ni Torres (3isgreaterthan1.com, 2012) dapat na mauna ang pag-warm-up kaysa stretching. Nakapagdudulot ito ng paghina ng muscle kung full range of motion ang pag-uusapan. Sinang-ayunan din ito ni Alter (1990) na dapat mauna ang warm-up bago ang stretching dahil magiging mas mabisa ang muscles kung mainit na ang temperatura nito (Young at Behm, 2002).

Susunod na katanungan ay anong uri ng stretching ang dapat gawin, Static ba o Dynamic?

 

Static stretching

ito ay isang uri ng stretching kung saan ay binabanat ang muscles at mananatili sa isang posisyon sa ilang segundo. Ayon kay Torres (3isgreaterthan1.com, 2012) at sa kanyang mga literaturang sinangguni na hindi mainam na magsagawa ng static stretching pagkatapos ng warm-up at nakapagdudulot din ito ng paghina ng lakas ng muscle kung gagawin ito (Young at Behm, 2002).

 

 

Dynamic stretching

Mga uri ng ehersisyo kung saan ay ginagaya ang mga pangunahing kilos na kailangan sa isport na kinabibilangan. Sa pag-aaral na ginawa nina McMillan et al. (2006) kung saan pinaghambing nila ang Dynamic, static at walang warm-up natuklasan nila na mabisa ang dynamic na uri ng warm-up kung ihahambing sa static at walang warm-up. Pinatunayan din nina Soligard et al. (2008) sa kanilang mga ehersisyong ipinagawa sa mga babaeng atleta ng Football na ang mga dynamic na uri ng ehersisyo ay mas mas mabisa kung ihahambing sa static lalo na kung ginawa ito bilang warm-up.

Sa kabila ng mga patunay sa kabisaan ng Dynamic na uri ng warm-up o stretching at pagsasagawa ng warm-up bago ang mga ehersisyo, makabubuti pa rin na magsagawa ng pag-aaral ukol dito sa lokal na kalagayan. Sa gayon magkaroon ng paghahambig at mapalawak ang pananliksik ukol sa isports sa Pilipinas lalo sa larangan ng Athletics o Track and Field. *

Paala-ala: Kung may mungkahi o puna sa artikulo, mangyaring makipag-ugnayan gamit ang e-mail address sa itaas.

Sanggunian:

  • Alter, M (1990) Sports Stretch. Leisure Press IL
  • McMillan DJ et al. (2006) Dynamic vs. Static-Stretching Warm-up: The Effect on Power and Agility Performance. Journal of Strength and Conditioning Research, 2006, 20(3), 492–499
  • Soligard T. et al. (2008) Comprehensive warm-up program to prevent young female footballers’ injuries: cluster randomized controlled trial. British Medical Journal BMJ 2008; 337:a2469
  • Torres M. (2012) To Stretch or Not to Stretch Before Training & Racing. 3 is greater than 1 website retrieved 05-July-2012 http://3isgreaterthan1.com/blog/to-stretch-or-not-to-stretch/
  • Young & Behm (2002) Should Static Stretching Be Used During a Warm-Up for Strength and Power Activities? National Strength & Conditioning Association Volume 24, Number 6, pages 33–37

 

LIKE OUR FACEBOOK PAGE

SHARE THIS ARTICLE

 

 

 

 

Leave a Comment