Ensayo para sa kabataang
Originally Published July 2, 2013, by Professor Talatala
Prof. Airnel T. Abarra. Ensayo para sa kabataang
Ensayo para sa kabataang atleta: Ano ba ang dapat?
Airnel T. Abarra*
Hangad ng bawat isang atleta na manalo. Walang makapapalit sa damdamin ng isang nagtatagumpay sa larangang kanyang kinabibilangan. Sa pag-aasam na manalo ng isang atleta o koponan sa larangan ng Athletics. Malaking tanong pa rin kung paano ba dapat tingnan ang mithiin ng bawat isa.
Dapat bang mag-asa-elite athlete kaagad sa murang edad o kaya ay hayaang makapaglaro ang isang atleta sa isport na kanyang nais?. Layunin ng artikulong ito na magsimula ng pagtalakay kung ano ang dapat paiiraling programa ng mga coach sa pakikitungo nila sa mga batang atleta.
Ensayo para sa kabataang Papel ng guro o coach
Malaki ang impluwensiya ng uri ng pagtuturo ng coach sa kahandaan ng isang mag-aaral o manlalaro sa isang isport. Ang mga mag-aaral na binibigyan ng tamang pagpapahalaga ang kanilang ginagawa at may kaunting kalayaan (autonomy).
Sa mga aktibidad ay higit na mas mataas ang pagpapahalaga sa isport kaysa roon sa mga mag-aaral na binibigyan ng sobrang pagdiin o pressure (Goudas, 1994).
Kung paiiralin ang tamang uri ng programa at pag-eensayo sa mga atleta. Halimbawa sa mga kababaihan, mas magkakaroon sila ng mataas na tiwala sa sarili at pagganyak sa kanilang napiling laro (Henschen et al, 1992).
Ensayo para sa kabataang Espesyalisayon ng batang atleta: Tama o mali?
Madalas na paninwala ng mga Pilipino mas madaling hubugin ang isang tao habang bata pa ito. Kaya nga ito ay nasasalamin din sa oryentasyon sa isport ng isang kabataan. Marami ang pumipili lamang ng iisang isport kung saan sila magpapakadalubhasa. Kadalasan ito ay nasa impluwensya ng mga magulang o ng coach.
Sa pag-aaral ni Brenner (2007) may mga hindi kanais-nais na bunga ang pagkakaroon ngearly specialization ng mga atleta sa iisang isport. Tinalakay niya ang tungkol sa malabis na paggamit at pag-eensayo na makapagdudulot ng pagkabagot (burn-out) sa isang batang atleta. Ipinaliwanag niya ang ilang konsepto gaya ng mga sumusunod:
Overuse injury- pagkasira o trauma ng but, muscles o tendons dahil sa paulit-ulit napaggamit nito ng Walang sapat na pahinga. Nagdudulot ito ng tendonitis o pagkasira ng mgatendons o mga gatil na nag-uugnay ng muscles sa mga buto.
Overtraining
Malabis na pag-eensayo sa isang atleta sa mahabang panahon. Minumungkahi ng American Council on Sports Medicine and Fitness na hindi dapat lalampas sa 5 beses sa isang linggo ang ensayo ng isang batang atleta.
Burn out syndrome- serye ng mga pagbabago sa katawan at isipan na nakapagdudulot ng paghina ng laro ng isang atleta.Sa nabanggit na pag-aaral minumungkahi ng Council on Sports
Principles of Training
- Hikayatin ang mga atleta na magkaroon ng pahinga ng 1-2 araw sa kanilang isport. Sa gayon makababawi ang kanilang katawan at isipan mula sa kanilang pag-eensayo.
- Hindi dapat tumaas ng 10 porseynto ang ipagagawang training programme sa isang atleta sa loob lamang ng isang linggo ng ensayo. (Halimbawa: pagdaragdag ng 1-2 kilometrong sa training na umaabot ng 10 kilometro kada linggo)
- Hikayatin ang atleta na pansamantalang sumubok ng ibang isport sa matapos ang 2-3 buwang pag-eensayo sa kanyang naunang larangan.
- Dapat ang ensayo ay maging kawili-wili, ligtas, nagtuturo ng bagong kasanayan at pagiging mabuting isport.
- Bigyan ng pagkakataon na sa iisang team lamang sumali ang isang atleta sa partikular serye o season.
- Maging alerto sa mga sinasabing sakit o injury ng atleta gayundin ang pagkawala ng interes sa pag-aaral. Bigyan ito ng sapat na atensyong medikal at akademiko sa lalong madaling panahon.
- Ipanukala na magkaroon ng sapat na medical team sa bawat tournament sa sasalihan ng ng atleta. Ituro sa mga atleta ang tamang pagtingin sa injury at iba pang karamdaman. Palagiang komunsulta sa doktor o dalubhasa sa medisina.
- Magkaroon ng panahon upang turuan ang mga coach, atleta pati ang kanilang mga magulang sa tamang nutrisyon, kaligtasan sa isport, at pag-iwas sa over training.
- Maging maingat sa pagpapalaro sa mga batang atleta upang makaiwas sila sa injury at bigyan rin ng payo ang kanilang mga magulang ukol dito.
Ensayo para sa kabataang Medicine and Fitness ng American Academy of Pediatrics ang mga sumusunod:
Batay sa mga literaturang nabanggit, mahalagang malaman na ang pag-eensayo sa mga batang atleta ay isang maingat na bagay na dapat pinag-aaralan , sinurusri at pinag iisipan.
Hindi sapat ang mga naunang kaalaman o karanasan bilang katibayan kung ang isang guro o coach ay nasa tamang landas. Patuloy na nagbabago ang mga konsepto sa larangan ng Sports Science at Physical Education. Kung nais natin ng mahuhusay na manlalaro, simulan dapat ng bawat isa ang patuloy na pagbabago para sa kung ano ang tama at totoo.
Mga Sanggunian:
Brenner JS, MD, MPH, and the Council on Sports Medicine and Fitness (2007) Overuse Injuries, Overtraining, and Burnout in Child and Adolescent Athletes. American Academy of Pediatrics Retrieved 23-July-2012 from
http://www.pediatrics.org/cgi/doi/10.1542/peds.2007-0887
Goudas M, Biddle S, Fox K and Underwood M. (1994) It ain’t what you do, it’s the way that you do it! Teaching style affects children’s motivation in Track and Field Lessons. Retrieved 23-July-2012 from
http://www.spectrumofteachingstyles.org/pdfs/literature/Goudas%20(2).pdf
Henschen KP, Edwards SW, And Mathinos L. (1982) Achievement Motivation And Sex-Role Orientation Of High School Female Track And Field athletes Versus Non-athletes. Perceptual And Motor Skills: Volume 55, Issue, pp. 183-187.
*Ang may-akda ay kasalukuyang guro ng MAPEH sa Sta. Filomena Extension- Del Remedio
National High School, San Pablo City, Laguna at kandidato sa kursong MS Human Movement Science Major in Exercise Science sa Kolehiyo ng Kinetikang Pantao-Unibersidad ng Pilipinas Diliman
PLEASE SHARE THIS ARTICLE